Saturday, March 7, 2009

DELUBYO NG PEBRERO

Ang mga damo'y tila nakayuko
Sa mga burol na nanlulumo
Ang hangin ay tinulak ang ulap
Na tinago ang araw na wala nang andap
Ang langit ay huminga ng malalim
At pinakawalan ang kidlat na matalim
Dagundong ng kulog ang hagulgol
Sa damdamin ng pusong nasapol
At pumatak na ang ulan sa malungkot na kalangitan
Habang ang bahang dugo ay hihimlay sa karagatan
Ang bundok ay gumuguho
Ang bulkan ay bumubugso
Upang idura ang nagliliyab nitong "lava"
Na malapit nang mamuong ginintuang "magma"
Lahat ay sabay sabay sa pagkaganap
Ang delubyo sa katorse ng pebrero
Minsan na akong sinabihan
Di naniwala hanggang naganap ang kapalaran

0 blah-blah's from some... cool pipz..LOL: